Mahirap na ang buhay ngaun kaya mas ok sana kung may manglilibre sau dba? so here are some tips that might help you save money.
1. Sa inuman: Uminom ng marame or umarteng lasing na pag oras na ng bayaran. Ung tipong nakayuko kna sa table at di na makausap ng matino para dka masingil.
2. Sa grocery: Kahit ikaw ang nag-aya na may bilin, pagdating sa counter, magkunyaring naiihi, tagalan hanggat maaari at siguraduhing malapit na sa bayaran ang kasama upang maging matagumpay ang balak, para sa pagbabalik nabayran na ang nsabing produkto.
3. Sa inuman part 2: Pag malapit na ang bayaran, awayin ang jowa at magkunwaring nagagalit, maghagis ng 100 o mas mababang halaga kahit naka-3ng bote ka ng red horse, sundan ito na mabilis na pagalis.
4. Sa Kainan (specifically drive-thru) - Pumili ng pagkaing mas masarap kainin pag mainit gaya ng French fries. Alukin ang kasamang kumain sa ganitong lugar pero siguraduhing gabi ito gagawin, bakit? dahil kung gabi na maaaring antukin at makatulog ang kasama ngunit siguraduhing nakakuha na ng pera bago bumili ng pagkain. Siguraduhin din na nakatulog na ang kasama pagkabili, dali daling kumain at pagkagising ng kasama at tinanong kung nasaan na ang pagkain maaring sabihin ito "kinain ko na, di un masarap pag malamig na e"
5. Isa rin sa magandang paraan ay ang panliligaw kapag malapit na ang iyong kaarawan, may regalo ka na mas malaki pa ung chansa na sagutin ka nya.
6. Pumili ng maperang jowa o jojowain, pano ka nga naman malilibre kung wala ring pera ang kasama mo, pero palabasin na may pera ka rin gaya ng pagpapakitang may kotse ka at galing sa respetadong skwelahan. Sa ganitong paraan makukuha mo ang tiwala nya at di nya iisiping pineperahan mo lang sya kahit un naman talaga ung totoo.
Hindi madaling gawin ang lahat ng ito, kailangan ng matinding tapang at makapal na pagmumuka upang magtagumpay sa ganitong layunin. Kapag naisagawa ang lahat ng yan, isa lang msasabi ko sau "BIGYAN YAN NG JACKET!!!" lol
No comments:
Post a Comment